Kailan
Hindi Pa Maaari ang Reispeling
Ngunit
tinitimpi ang pasasa-Filipino ng ispeling ng mga bagong hiram na salita kapag:
1.
Nagiging
kakatwa o katawa-tawa ang anyo sa Fiipino;
2.
Nagiging
higit pang mahirap basahin ang bagong anyo kaysa orihinal;
3.
Nasisira
ang kabuluhang pangkultura, panrelihiyon o pampolitika ang pinagmulan;
4.
Higit
nang popular ang anyo ng orihinal; at
5.
Lumilikha
ng kaguluhan ang bagong anyo dahil sa may kahawig na salita sa Filipino
Halimbawa,
baka walang bumili sa “Kok” (coke) at mapagkamalan itong pinaikling tilaok ng
manok. Matagal mag-iisip ang makabasa ng “karbon day-oksayd” bago niya ito
maikonekta sa sangkap ng hangin. Iba ang baguette
ng mga Pranses sa ating kolokyal na “bagets”. Nawalwala ang samyo ng bouquet sa nairespel na “bukey”.
Nakasanayan nang basahin ang duty free
kaya ipagtataka ang karatulang “dyuti-fri”. Bukod sa hingi agad makikilala ay
nababawasan ang kabuluhang pangkultura ng feng
shui kapag binaybay nag “fung soy” samantalang mapagkakamalang pang gamit
sa larong pang dama ang pizza ang “pitsa”.
Malinaw ding epekto ito ng lubhang pagkalantad sa paningin ng mga Pilip[ino ang
mga kasangkapang biswal (iskrin, karatula, billbord) na nagtataglay ng mga
salitang banyaga sa mga orihinal na anyong banyaga.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento