Hanapan ang Blog na Ito

Miyerkules, Setyembre 30, 2015

PAGPAPALIT NG "D" TUNGO SA "R"

May tiyak na pagkakataon na napapalitan ng R ang D sa pagsasalita. Halimbawa, nagiging rito ang dito at ang dami ay nagiging rami. Karaniwang nagaganap ang pagpapalit ng R sa D kapag napangunahan ang D ng isang pantig o salitang nagtatapos sa A. Halimbawa, ang D ng "dito" ay nagiging R sa "narito" o "naririto". Nananatili ang D kapag andito o nandito. Tingnan pa ang mga sumusunod:

doon-naroon (ngunit andoon o nandoon)
dami-marami (ngunit pagdami o dumami)
dalita-maralita (ngunit nagdalita o pagdaralita)

Ang naturang pagpapalit ng tunog ay isang malinaw na paraan ng pagpapadulas sa pagsasalita. Kaya karaniwang ginagamit ang D sa unahan ng salita. Sa loob ng salita, karaniwang sumusunod ito sa katinig (sandok, kordon, bundat) samantalang higit na malimit na makikita nag R sa loob ng salita lao na't sumusunod sa patinig (markado, kariton, bolero, bangkero, birtud).

2 komento: