PAGPAPALIT NG "D" TUNGO SA "R"
May tiyak na pagkakataon na napapalitan ng R ang D sa pagsasalita. Halimbawa, nagiging rito ang dito at ang dami ay nagiging rami. Karaniwang nagaganap ang pagpapalit ng R sa D kapag napangunahan ang D ng isang pantig o salitang nagtatapos sa A. Halimbawa, ang D ng "dito" ay nagiging R sa "narito" o "naririto". Nananatili ang D kapag andito o nandito. Tingnan pa ang mga sumusunod:
doon-naroon (ngunit andoon o nandoon)
dami-marami (ngunit pagdami o dumami)
dalita-maralita (ngunit nagdalita o pagdaralita)
Ang naturang pagpapalit ng tunog ay isang malinaw na paraan ng pagpapadulas sa pagsasalita. Kaya karaniwang ginagamit ang D sa unahan ng salita. Sa loob ng salita, karaniwang sumusunod ito sa katinig (sandok, kordon, bundat) samantalang higit na malimit na makikita nag R sa loob ng salita lao na't sumusunod sa patinig (markado, kariton, bolero, bangkero, birtud).
Hanapan ang Blog na Ito
Miyerkules, Setyembre 30, 2015
Lunes, Setyembre 14, 2015
KAILAN “NG” AT KAILAN “NANG”
Isang malimit pagtalunan kahit ng mga eksperto sa Filipino ang
wastong
gamit ng “ng” na maikli at “nang” na mahabà. May mga
nagmumungkahi tuloy na alisin na ang “ng” at “nang” na lámang
ang
gamitin sa pagsulat. Isang panukalang paurong dahil ganoon na
nga ang
ugali bago ang Balarila ni Lope K. Santos. Sa panahon ng mga
Espanyol, “nang” lámang ang ginagamit sa pagsulat ng mga
misyonero.
Ang higit na dapat tandaan ay ang tiyak na mga gamit ng “nang”
at lima (5) lámang ang mga tuntunin:
Una, ginagamit ang “nang” na kasingkahulugan ng “noong.”
Halimbawa, “Umaga nang barilin si Rizal. Nang umagang iyon ay
lumubha ang sakit ni Pedro.”
Ikalawa, ginagamit ang “nang” kasingkahulugan ng “upang” o
“para.” Halimbawa, Sa isip ng mga Espanyol, kailangang bitayin
si
Rizal nang matakot ang mga Filipino. Dinala si Pedro sa
ospital nang
magamot.”
Ikatlo, ginagamit ang “nang” katumbas ng pinagsámang “na” at
“ng.” Halimbawa, “Pero sa isip ng mga Filipino, sobra nang
lupit ang
mga Espanyol. Sobra nang hirap ang dinanas ni Pedro.”
Ikaapat, ginagamit ang “nang” para sa pagsasabi ng paraan o
sukat (pang-abay na pamaraan at pang-abay na panggaano).
Halimbawa,
“Binaril nang nakatalikod si Rizal. Namayat nang todo si Pedro
dahil sa
sakit.”
Ikalima, ginagamit ang “nang” bilang pang-angkop ng inuulit na
salita. Halimbawa, “Barilin man nang barilin si Rizal ay hindi
siyá
mamamatay sa puso ng mga kababayan. Ginamot nang ginamot si
Pedro
para gumaling.”
Ang iba pang pagkakataon, bukod sa nabanggit na lima, ay
kailangang gamitan ng “ng.” Halimbawa: “Ipinabaril ng mga
Espanyol si
28
Rizal. Pinainom ng gamot si Pedro.” Ngunit tingnan ang
pagkakaiba ng
dalawang pangungusap. (1) “Martiryo ang katulad ng sinapit ni
Rizal.”
(2) “Gusto mo ba ang katulad nang magmartir si Rizal?”
Sabado, Setyembre 12, 2015
Balangkas ng Wika
1. Ponolohiya o fonoloji – pag-aaral ng fonema o ponema; ang fonema ay tawag sa makabuluhang yunit ng binibigkas na tunog sa isang wika. Halimbawa ay ang mga fonemang /l/, /u/, /m/, /i/, /p/, /a/ at /t/ na kung pagsama-samahin sa makabuluhang ayos ay mabubuo ang salitang [lumipat].
2. Morpolohiya o morfoloji – pag-aaral ng morfema; ang morfema ay tawag sa pinamakamaliit na makabuluhang yunit ng salita sa isang wika. Sa Filipino ang tatlong uri ng morfema ay ang salitang-ugat, panlapi at fonema.
Salitang-ugat = tao, laba, saya, bulaklak, singsing, doktor, dentista
Panlapi = mag-, -in-, -um-, -an/-han
Fonema = a
*tauhan, maglaba, doktora
3. Sintaksis – pag-aaral ng sintaks; sintaks ay ang tawag sa formasyon ng mga pangungusap sa isang wika. Sa Filipino, maaaring mauna ang paksa sa panaguri at posible namang pagbaligtaran ito. Samantalang sa Ingles laging nauuna ang paksa.
Hal. Mataas ang puno.
Ang puno ay mataas.
The tree is tall. (hindi maaaring ‘Tall is the tree.’ o ‘Tall the tree.’)
4. Semantiks – pag-aaral ng relasyon ng salita sa bawat isa sa iisang pangungusap; ang mga salita sa pagbuo ng pangungusap ay bumabagay sa iba pang salita sa pangungusap upang maging malinaw ang nais ipahayag.
Hal. Inakyat niya ang puno.
Umakyat siya sa puno.
Makikita na nang ginamit ang pandiwang [inakyat] ang panghalip ng aktor sa pangungusap ay [niya] at ang pantukoy sa paksa ay [ang]. Samantalang sa ikalawang pangungusap ang pandiwa ay napalitan ng [umakyat] kaya nakaapekto ito sa panghalip ng aktor na dati’y [niya] ngayo’y [siya] na. Imbis na pantukoy na [ang] ay napalitan na ng pang-ukol na [sa]. Nagkaiba na ang kahulugan ng dalawang pangungusap.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)